ayokong tumanda!! ahi. :(

Habang pauwi ako galing school kanina, nakita ko na naman yung matandang babae na nakaupo sa gilid ng malaking bahay. Naghihintay ng limos sa bawat taong dumadaan. Sa araw araw na ginawa ng dyos di mo na mabilang ang taong dumadaan duon. Pero napakadaling bilangin ng mga pisong dumadampi sa basong hawak hawak ng matandang babae. Nakakalungkot isipin na sa dami raming taong nakakakita sa kanya iilan lamang ang talagang nakakapansin sakanya.

Sa may tulay, sa gilid ng eskwelahan, at kahit sa gitna pa ng daan. Iba't ibang matatanda ang nakikita ko. Napakabagal ng ikot ng buhay nila. Napakabagal kumpara saten. Napakabagal na nga, binibilang pa nila ang mga natitirang araw nila dito sa mundo. Nakakaiyak isipin nu? mabubuhay ka pero mamamatay din. Mula sa unang araw mo sa mundo hanggang sa pagtanda't kamatayan mu. May ilan pa nga hindi na umaabo't sa pagtanda, namamatay na sa sakit o kaya naman sa aksidente.
Pero kung tutuusin mas maswerte pa nga sila eh, sila nakakapag pahinga na pero ang ilang matatandang may buhay pa kinakapos na ng hininga. Kinakapos na nga ng hininga, kinakapos pa ng suporta sa mga taong dapat eh nag aalaga sakanila.

Mula pa nung bata ko, takot na kong tumanda. Ilang taon na nga ba ko ngayon? 17 years old na kong nabubuhay sa mundo. Hanggang kaylan kaya ko mananatili dito? hanggang kaylan kaya ko uupo't mananahimik lang sa tabi? hanggang kaylan kaya ko magpapakain sa sistema ng buhay natin? hanggang kaylan kaya ko magbubulag bulagan sa kung anung dapat kong gawin? hanggang kaylan? yan lang naman ang tanong ko eh. Kasi hanggang ngayun hindi ko alam kung panu ko ba sisimulan.

Nakakatakot tumanda, tutuo yun. Kay sarap naman kasing umupo sa pag kabata, halos ayaw mu nang tumayo para harapin ang pagtanda. Walang problema, laro lang ang nasa isip. Pero pag tumatanda kana, parami na ng parami ang mga problema. Halos wala nang katapusan, Diba?

Kadalasan ang mga bata nagmamadaling tumanda, nagmamadali sa buhay kala mu naman mauubusan. Pero pag andun na sila, gustong gustong bumalik sa pag kabata. Lahat naman tayo gustong bumalik dun. Kung pwede nga lang manatili dun, mananatili tayo eh. Kaso iba sa tutuong buhay. Mabilis ang paglakad, oo minsan matatrapik ka pero darating at darating ka ren dun.

Para saken, ang pag tanda ang pinaka worst na parte ng buhay natin. Pag matanda kana parang wala ka nang silbi sa mata ng iba. Minsan ultimo pamilya mo mismo. Palamunin, alagain at sakitin pa. Yan ang kadalasang tingin ng mga mas bata sayo. Ang sakit isiping andun ka sa sitwasyon na yun kung saan ang pamilya mo mismo tinataboy kana.

Ang mga anak mong pinagtyagaan mong palakihin ng maayos. Mga pag hihirap mo para lamang mapag-tapos sila ng pag-aral. Mga damit, pagkain, bahay para sakanila. Pag nakapag tapos na sila't nag katrabaho, ang mga anak mong pinalaki mo magsisimula nang magtuturuan kung sino bang dapat mag alaga sayo. Kung saan kaylangan mo nang mag pahinga, may inaalagaan ka pa rin mga apo mo mula sa mga anak mong inalagaan mo na nung una palang. Parang walang pahinga ang responsibilidad mo sakanila. Panu naman ang responsibilidad nila sayo? Anu yun? nakalimut na sila? o nakain narin ng sistema ng buhay na ginagalawan natin?

Mga matatandang pinabayaan na ng pamilya. Mga matatandang kinalimutan na ng sistema. Mga matatandang para sa ilan wala nang silbe sa buhay at kaylangan nang mag paalam. Nakakaawa, nakakaiyak, nakakainis, nakakakonsensya. Ang mga apong dagdag pa sa kunsomisyon nila. Mga anak, apo, kamag anak na hindi marunong gumalang. Ang iba nananalangin pang mawala na sila.

Nung minsan, nag patahi kame ng uniform ni tal. Matandang uugod ugod na't may salamin ang nanahi ng uniform namin. Nakakalungkot na nakakagaan ng loob. Nakakalungkot kase sa tanda nilang yon sila parin bumubuhay sa mga anak at apo nila. Nasaksihan pa namin ang pag abo't niya ng pera sa apo nyang malapit na ang kaarawan. Naalala ko tuloy ang lola ko sa father side, sa tuwing kaarawan ko may isang daan pa kong natatanggap sa kaniya, na imbes na pambili nya nalang ng gamot, ibibigay niya pa saken. Naalala ko rin si "mommy", lola ko sa mother side. Ou sugarol sya pero ramdam mo parin ang pag alaga niya, simula pagkabata sya nang kasama ko, sya nang nag alaga saken at mag pahanggang ngayon sya paren ang nag aalaga sa ilan ko pang pinsan. kaarawan nga ng lolo ko kahapon. Kita ko sa mga mata nya yung lungkot at saya na nararamdaman nya. Masaya kase dumating kame ng mga apo nya at naalala pa ang kaarawan nya. Malungkot kase hindi sya sigurado kung sa susunod na taon may kaarawan pang maipagdiriwang.

Nakakatakot ang tumanda. 17 na ko, mag e-18, mag na-19, tapos 20 na. 30, 40 at hindi pa sigurado kung aabot pa ng 50. Nakakatakot ang tumanda. Sana bumagal pa ang buhay, kung saan konti pa ang problemang dumadaan. Sana sa mga bawat araw na dumarating saten ay sya ring araw na dumaragdag sa buhay nila.

Sana ang ilan na hindi marunong magpahala sa mga matatanda maisip nilang dapat parin silang pag halagaan. Dahil maikli lang ang buhay, sana matutu tayong mag pahalaga dito. Don't waste your time sa kung ano anung bagay na istorbo sa buhay natin. Sana sa pag tanda natin may mga tao paring makaalala saten. Sana may maabot tayo bago pa tayo kapusin ng hininga. Parang napakawalang kwenta ng sinulat ko para sa ilan. Siguro masasabi nyo sa sarili nyong nag sayang lang kayo ng oras sa pag basa nito. Pero sana sa pag tanda nyo... kahit wala nang ngipin.. may ngiti pa rin.. :)




-- anu daw?
Reactions: 

SA JEEP... anung kwento mo?


Ang jeep ay isa sa pangunahing transportasyon sa pilipinas. Pinamana pa satin to ng mga amerikano nung patapos na ang world war II. Ang salitang jeepney ay mula pa sa salitang "jeep" and "jitney" or "jeep" and "knee" na ang ibig sabihin ay face-to-face seating. Lam nyu ba yun? hindi siguro nu? kasi sakay lang tayu ng sakay, kung minsan wala naman talaga tayung pakelam sa pinagmulan ng mga bagay bagay sa mundo eh.

Kasama na sa pang araw araw na buhay natin ang pag sakay sa jeep. Naghihintay, nag aabang, pumipila, at kung minsan pa nga'y nag hahabul para lamang makasakay. Iba't ibang tao ang nakakasalamuha mo sa loob ng jeepney, nakakatabi, nakikilala at kung minsan pa nga'y nag kakainlaban. Iba't ibang uri ng tao ang nakakasakay natin, may estudyante, empleyado, simpleng tao, may maarte, may pawisan, may nagtitinda sa palengke daladala ang kanyang paninda, may gulay, tilapya at palaka.

Pati nga rin nag titinda ng taho nakakasakay rin natin. Siksikan sa loob at sa sobrang init pinagpapawisan na kahit ganu pa kaganda pumapanget. Nakakainis minsan ang mga driver na naghihintay pa ng pasahero, late ka na nga sa school lalo ka pang nalelate, na kung tutuusin naman eh talagang kasalanan nating mga estudyanteng nagpuyat sa gabi at nahuli sa pag gising.

Ganun pa man, ang pag sakay sa jeep ang pinakapaborito kong routine sa buhay. Maliban sa minsa'y nakakasakay ko yung crush ko. Marami rin akong nakakasalamuhang tao, minsa'y nakakainis (sa sobrang arte mukha namang kamote). Minsa'y nakakatawa.. si ate na kumakain ng mais sa ngipin sumasabit, si kuya na pag kapogi pogi eh baklush pala, si bunso na iyak ng iyak ang sipon ginawa nang bubble gum, si Manong na natutulog kay manang na nakapatong. Maraming nakakatawang panyayari, minsan si lola mura ng mura wala naman kaaway. Mga matatandang kwentuhan ng kwentuhan bandang huli di naman pala magkakilala. Si manong driver mura rin ng mura lalo na kapag traffic na. Nakakainis minsan pero ayos lang nasanay naren.

Kahit ako man marami ring nakakatawang kwento sa jeep. Minsan jeep ang ginagawa kong library, kahit nakakahilo, kahit medyo malabo na mata ko, pipilitin at pipilin ko paring matapos ang binabasa ko. Ang hirap pa kapag nakakatawa yung binabasa ko kay hirap pigilan yung tawa. Madalas pa ko makatulog sa jeep nun, nakanganga at pagod na pagod. Madalas pa kong mapasobra ng bababaan. Lagi nalang lumalampas. Nakakainis na nakakatawa diba?

Pero ang talagang gusto ko kapag nakasakay ako sa jeepney. Iba't iba pumapasok sa utak ko. Ang dami kong naiisip, tungkol sa buhay ko. Sa mga panyayari, kwento at mga bagay bagay na gumugulo sa isip ko. Sa jeep ko madalas maisip mga taong mahalaga saken, mga taong gusto kong makasama, mga taong gusto kong makita. Sa jeep din, madalas naiisip ko kung anu ba talagang gusto kong gawin sa buhay ko. Madalas kong maisip yung mga gagawin ko pag uwi. Lahat pinaplano ko kapag asa jeep ako. Mga damit na gagamitin ko, assignment, pagsulat ng kung anu anu.. lahat pinaplano ko sa jeep. Pero pag uwi ko naman, lahat ng naiisip ko habang nakasakay ako.. hindi ko na magawa, hindi ko na maisip, hindi ko na maplano..

Siguro kase malawak ang pag iisip ko kapag nakasakay ako sa jeep. Habang pinagmamasdan ang mga bahay na nadadaanan, mga taong lumalakad at mga uri ng pamumuhay na madalas kong masaksihan. Sa jeep ko nasasaksihan ang takbo ng buhay sa pilipinas. Tahimik na mabagal, magulo na mabilis, simple pero komplikado.. Ang buhay ng tao parang pagsakay lang sa jeep yan, sasakay ka sa agos ng pamumuhay, minsan kaylangan mu ring huminto para makahanap ng bagong pasahero sa buhay mu, minsan kaylangan mu ring mag baba para maintindihan ang bawa't halaga ng bagay na napapasayo, pero hihinto ka ulit para magpasakay ng bago. At sa huli kaylangan mu naring bumaba.. para magsimula ulit sa una.

Ganyan ang buhay diba? sakay, hinto, baba at pagkatapos sasakay ulit, hihinto at bababa. Pero tandaan mu hindi sa lahat ng oras may pamasahe kang dala. Minsan kaylangan mu ring lumakad para maranasan ang hirap ng buhay pero diba't kahit lumakad ka man o sumakay ka man.. darating at darating ka rin sa iyong pupuntahan.

Ganyan ang buhay naten. Tama ko diba?
Reactions: 

making desicions..

Making decisions in our life is not easy, especially at the teenage years. There are so many obstacles around you. So many influences will always stick on you; it’s either good or bad. It's your choice if you will do your best or do the worst.

Like the other... I also have my own decisions.

- GOD
- LOVE
- FUTURE

this three things are the most important things for me. I always find myself looking at the window, thinking about my life. Then, I woke up this morning and the first thing comes on my mind is that... "What should I do for tomorrow, for another day and for the rest of my life?" Do I really need to stock up myself to the things that happening now?

I really love GOD... He is the center of my life. Without him, I am nothing. This pass few days, I forgot to consult my personal problem to him. I forgot that God always on my side. I forgot that he just waiting for me to tell all the truth. I forgot that no matter happen the one who I really need is GOD. I forgot it… and I hate myself for that.

For now on:

- Before I do some choices or decision... I need God's permission.

LOVE is one of the things important to me, particularly my FAMILY, FRIENDS, and LOVE ONE. Because of some mistake I've been done. I lost the trust of some important family member of me, especially my mom. I also lost the trust of the person who I used to love before (but it’s not mean that I don’t love him anymore. It’s not that, okay?) Because of my mistake I need to give up something.

I decided to..

- Obey my mom. (Even if, she never say anything, I know she want me to evade something.)
- Avoid them (Glenn and Dexter) hope they'll understand my decision. It's not easy for me to do this, But I need eh.. so sorry nalang talaga..
- Study hard is still the key to success! so study hard nalang edz! fight! fight! hihi..
Reactions: 

Related Posts with Thumbnails