ayokong tumanda!! ahi. :(

Habang pauwi ako galing school kanina, nakita ko na naman yung matandang babae na nakaupo sa gilid ng malaking bahay. Naghihintay ng limos sa bawat taong dumadaan. Sa araw araw na ginawa ng dyos di mo na mabilang ang taong dumadaan duon. Pero napakadaling bilangin ng mga pisong dumadampi sa basong hawak hawak ng matandang babae. Nakakalungkot isipin na sa dami raming taong nakakakita sa kanya iilan lamang ang talagang nakakapansin sakanya.

Sa may tulay, sa gilid ng eskwelahan, at kahit sa gitna pa ng daan. Iba't ibang matatanda ang nakikita ko. Napakabagal ng ikot ng buhay nila. Napakabagal kumpara saten. Napakabagal na nga, binibilang pa nila ang mga natitirang araw nila dito sa mundo. Nakakaiyak isipin nu? mabubuhay ka pero mamamatay din. Mula sa unang araw mo sa mundo hanggang sa pagtanda't kamatayan mu. May ilan pa nga hindi na umaabo't sa pagtanda, namamatay na sa sakit o kaya naman sa aksidente.
Pero kung tutuusin mas maswerte pa nga sila eh, sila nakakapag pahinga na pero ang ilang matatandang may buhay pa kinakapos na ng hininga. Kinakapos na nga ng hininga, kinakapos pa ng suporta sa mga taong dapat eh nag aalaga sakanila.

Mula pa nung bata ko, takot na kong tumanda. Ilang taon na nga ba ko ngayon? 17 years old na kong nabubuhay sa mundo. Hanggang kaylan kaya ko mananatili dito? hanggang kaylan kaya ko uupo't mananahimik lang sa tabi? hanggang kaylan kaya ko magpapakain sa sistema ng buhay natin? hanggang kaylan kaya ko magbubulag bulagan sa kung anung dapat kong gawin? hanggang kaylan? yan lang naman ang tanong ko eh. Kasi hanggang ngayun hindi ko alam kung panu ko ba sisimulan.

Nakakatakot tumanda, tutuo yun. Kay sarap naman kasing umupo sa pag kabata, halos ayaw mu nang tumayo para harapin ang pagtanda. Walang problema, laro lang ang nasa isip. Pero pag tumatanda kana, parami na ng parami ang mga problema. Halos wala nang katapusan, Diba?

Kadalasan ang mga bata nagmamadaling tumanda, nagmamadali sa buhay kala mu naman mauubusan. Pero pag andun na sila, gustong gustong bumalik sa pag kabata. Lahat naman tayo gustong bumalik dun. Kung pwede nga lang manatili dun, mananatili tayo eh. Kaso iba sa tutuong buhay. Mabilis ang paglakad, oo minsan matatrapik ka pero darating at darating ka ren dun.

Para saken, ang pag tanda ang pinaka worst na parte ng buhay natin. Pag matanda kana parang wala ka nang silbi sa mata ng iba. Minsan ultimo pamilya mo mismo. Palamunin, alagain at sakitin pa. Yan ang kadalasang tingin ng mga mas bata sayo. Ang sakit isiping andun ka sa sitwasyon na yun kung saan ang pamilya mo mismo tinataboy kana.

Ang mga anak mong pinagtyagaan mong palakihin ng maayos. Mga pag hihirap mo para lamang mapag-tapos sila ng pag-aral. Mga damit, pagkain, bahay para sakanila. Pag nakapag tapos na sila't nag katrabaho, ang mga anak mong pinalaki mo magsisimula nang magtuturuan kung sino bang dapat mag alaga sayo. Kung saan kaylangan mo nang mag pahinga, may inaalagaan ka pa rin mga apo mo mula sa mga anak mong inalagaan mo na nung una palang. Parang walang pahinga ang responsibilidad mo sakanila. Panu naman ang responsibilidad nila sayo? Anu yun? nakalimut na sila? o nakain narin ng sistema ng buhay na ginagalawan natin?

Mga matatandang pinabayaan na ng pamilya. Mga matatandang kinalimutan na ng sistema. Mga matatandang para sa ilan wala nang silbe sa buhay at kaylangan nang mag paalam. Nakakaawa, nakakaiyak, nakakainis, nakakakonsensya. Ang mga apong dagdag pa sa kunsomisyon nila. Mga anak, apo, kamag anak na hindi marunong gumalang. Ang iba nananalangin pang mawala na sila.

Nung minsan, nag patahi kame ng uniform ni tal. Matandang uugod ugod na't may salamin ang nanahi ng uniform namin. Nakakalungkot na nakakagaan ng loob. Nakakalungkot kase sa tanda nilang yon sila parin bumubuhay sa mga anak at apo nila. Nasaksihan pa namin ang pag abo't niya ng pera sa apo nyang malapit na ang kaarawan. Naalala ko tuloy ang lola ko sa father side, sa tuwing kaarawan ko may isang daan pa kong natatanggap sa kaniya, na imbes na pambili nya nalang ng gamot, ibibigay niya pa saken. Naalala ko rin si "mommy", lola ko sa mother side. Ou sugarol sya pero ramdam mo parin ang pag alaga niya, simula pagkabata sya nang kasama ko, sya nang nag alaga saken at mag pahanggang ngayon sya paren ang nag aalaga sa ilan ko pang pinsan. kaarawan nga ng lolo ko kahapon. Kita ko sa mga mata nya yung lungkot at saya na nararamdaman nya. Masaya kase dumating kame ng mga apo nya at naalala pa ang kaarawan nya. Malungkot kase hindi sya sigurado kung sa susunod na taon may kaarawan pang maipagdiriwang.

Nakakatakot ang tumanda. 17 na ko, mag e-18, mag na-19, tapos 20 na. 30, 40 at hindi pa sigurado kung aabot pa ng 50. Nakakatakot ang tumanda. Sana bumagal pa ang buhay, kung saan konti pa ang problemang dumadaan. Sana sa mga bawat araw na dumarating saten ay sya ring araw na dumaragdag sa buhay nila.

Sana ang ilan na hindi marunong magpahala sa mga matatanda maisip nilang dapat parin silang pag halagaan. Dahil maikli lang ang buhay, sana matutu tayong mag pahalaga dito. Don't waste your time sa kung ano anung bagay na istorbo sa buhay natin. Sana sa pag tanda natin may mga tao paring makaalala saten. Sana may maabot tayo bago pa tayo kapusin ng hininga. Parang napakawalang kwenta ng sinulat ko para sa ilan. Siguro masasabi nyo sa sarili nyong nag sayang lang kayo ng oras sa pag basa nito. Pero sana sa pag tanda nyo... kahit wala nang ngipin.. may ngiti pa rin.. :)




-- anu daw?

0 Response to "ayokong tumanda!! ahi. :("

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails