SA JEEP... anung kwento mo?


Ang jeep ay isa sa pangunahing transportasyon sa pilipinas. Pinamana pa satin to ng mga amerikano nung patapos na ang world war II. Ang salitang jeepney ay mula pa sa salitang "jeep" and "jitney" or "jeep" and "knee" na ang ibig sabihin ay face-to-face seating. Lam nyu ba yun? hindi siguro nu? kasi sakay lang tayu ng sakay, kung minsan wala naman talaga tayung pakelam sa pinagmulan ng mga bagay bagay sa mundo eh.

Kasama na sa pang araw araw na buhay natin ang pag sakay sa jeep. Naghihintay, nag aabang, pumipila, at kung minsan pa nga'y nag hahabul para lamang makasakay. Iba't ibang tao ang nakakasalamuha mo sa loob ng jeepney, nakakatabi, nakikilala at kung minsan pa nga'y nag kakainlaban. Iba't ibang uri ng tao ang nakakasakay natin, may estudyante, empleyado, simpleng tao, may maarte, may pawisan, may nagtitinda sa palengke daladala ang kanyang paninda, may gulay, tilapya at palaka.

Pati nga rin nag titinda ng taho nakakasakay rin natin. Siksikan sa loob at sa sobrang init pinagpapawisan na kahit ganu pa kaganda pumapanget. Nakakainis minsan ang mga driver na naghihintay pa ng pasahero, late ka na nga sa school lalo ka pang nalelate, na kung tutuusin naman eh talagang kasalanan nating mga estudyanteng nagpuyat sa gabi at nahuli sa pag gising.

Ganun pa man, ang pag sakay sa jeep ang pinakapaborito kong routine sa buhay. Maliban sa minsa'y nakakasakay ko yung crush ko. Marami rin akong nakakasalamuhang tao, minsa'y nakakainis (sa sobrang arte mukha namang kamote). Minsa'y nakakatawa.. si ate na kumakain ng mais sa ngipin sumasabit, si kuya na pag kapogi pogi eh baklush pala, si bunso na iyak ng iyak ang sipon ginawa nang bubble gum, si Manong na natutulog kay manang na nakapatong. Maraming nakakatawang panyayari, minsan si lola mura ng mura wala naman kaaway. Mga matatandang kwentuhan ng kwentuhan bandang huli di naman pala magkakilala. Si manong driver mura rin ng mura lalo na kapag traffic na. Nakakainis minsan pero ayos lang nasanay naren.

Kahit ako man marami ring nakakatawang kwento sa jeep. Minsan jeep ang ginagawa kong library, kahit nakakahilo, kahit medyo malabo na mata ko, pipilitin at pipilin ko paring matapos ang binabasa ko. Ang hirap pa kapag nakakatawa yung binabasa ko kay hirap pigilan yung tawa. Madalas pa ko makatulog sa jeep nun, nakanganga at pagod na pagod. Madalas pa kong mapasobra ng bababaan. Lagi nalang lumalampas. Nakakainis na nakakatawa diba?

Pero ang talagang gusto ko kapag nakasakay ako sa jeepney. Iba't iba pumapasok sa utak ko. Ang dami kong naiisip, tungkol sa buhay ko. Sa mga panyayari, kwento at mga bagay bagay na gumugulo sa isip ko. Sa jeep ko madalas maisip mga taong mahalaga saken, mga taong gusto kong makasama, mga taong gusto kong makita. Sa jeep din, madalas naiisip ko kung anu ba talagang gusto kong gawin sa buhay ko. Madalas kong maisip yung mga gagawin ko pag uwi. Lahat pinaplano ko kapag asa jeep ako. Mga damit na gagamitin ko, assignment, pagsulat ng kung anu anu.. lahat pinaplano ko sa jeep. Pero pag uwi ko naman, lahat ng naiisip ko habang nakasakay ako.. hindi ko na magawa, hindi ko na maisip, hindi ko na maplano..

Siguro kase malawak ang pag iisip ko kapag nakasakay ako sa jeep. Habang pinagmamasdan ang mga bahay na nadadaanan, mga taong lumalakad at mga uri ng pamumuhay na madalas kong masaksihan. Sa jeep ko nasasaksihan ang takbo ng buhay sa pilipinas. Tahimik na mabagal, magulo na mabilis, simple pero komplikado.. Ang buhay ng tao parang pagsakay lang sa jeep yan, sasakay ka sa agos ng pamumuhay, minsan kaylangan mu ring huminto para makahanap ng bagong pasahero sa buhay mu, minsan kaylangan mu ring mag baba para maintindihan ang bawa't halaga ng bagay na napapasayo, pero hihinto ka ulit para magpasakay ng bago. At sa huli kaylangan mu naring bumaba.. para magsimula ulit sa una.

Ganyan ang buhay diba? sakay, hinto, baba at pagkatapos sasakay ulit, hihinto at bababa. Pero tandaan mu hindi sa lahat ng oras may pamasahe kang dala. Minsan kaylangan mu ring lumakad para maranasan ang hirap ng buhay pero diba't kahit lumakad ka man o sumakay ka man.. darating at darating ka rin sa iyong pupuntahan.

Ganyan ang buhay naten. Tama ko diba?

2 Response to "SA JEEP... anung kwento mo?"

  1. Anonymous Says:

    hAHAHA... nice!!!!!!!!!!!!!!!


    ang ganda...

  2. Anonymous Says:

    very inspirational........

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails